BSP x CTB Check-Protect-Report Campaign
#BSPSecuriTips: This Cybersecurity Awareness Month, stay alert against fraudulent messages that may appear to come from your bank or e-wallet 📩
Kahit gaano pa kaganda ang offer, o kahit sabihing may kailangan kang bayarang multa o i-update na impormasyon, huwag basta mag-click ng link sa text message o e-mail.
Mag-check muna at i-verify ang message gamit ang official app, website, o customer service channels ng inyong bank o e-wallet.
Gawin ang #CPR o #CheckProtectReport para sa mas ligtas at secure na transaksyon. 👍🏼
Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakompromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Bisitahin ang directory ng mga bangko at financial institutions:
BSP Directory of Banks and Financial Institutions
Maaari ring i-report ang mga scammer sa mga sumusunod:
- DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC)
- PNP Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center
Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring makipag-ugnayan sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy (BOB):
- I-click ang BOB icon sa BSP website (bsp.gov.ph)
- Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP
- I-click ang BOB icon sa BSP Mobile App — i-download sa Google Play Store o sa App Store
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: bit.ly/BSPCAM