Back To Announcements
Advisory

BSP x CTB Check-Protect-Report Campaign

#BSPSecuriTips: Mukhang legit ang message, pero may kasamang link? 🤔
Mag-pause muna at mag-isip—malamang scam ’yan.

✔ Huwag i-click ang link
✔ I-verify ang sender at mensahe sa official channels ng bangko o e-money issuer

Gawin ang #CPR o #CheckProtectReport para sa mas ligtas at secure na transaksyon. 👍🏼

Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Bisitahin itong directory: https://www.bsp.gov.ph/SitePages/FinancialStability/DirBanksFIList.aspx

Maaari ring i-report ang scammers sa mga sumusunod:

 

Kung sakaling hindi na bigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring ipagbigay-alam ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:

 

  1. I-click ang BOB icon sa BSP website (bsp.gov.ph)
  2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/) 
  3. I-click ang BOB icon sa BSP mobile app. I-download ang app sa Google Play Store para sa Android devices (https://play.google.com/store/apps/details?id=bsp.gov.ph.mobile.bsp_mobile&hl=en&pli=1) o sa App Store para sa Apple devices (https://apps.apple.com/ph/app/bsp-mobile/id6738836335)

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM