BSP x CTB Check-Protect-Report Campaign
#BSPSecuriTips: Ngayong season of giving, marami ang gustong magbahagi at tumulong. Huwag hayaang samantalahin ito ng scammers.
Bago mag-donate, i-check muna kung legit ang charity, organisasyon, o fundraiser. I-verify din ang kanilang official channels bago magpadala ng pera.
Gawin ang #CPR o #CheckProtectReport para sa ligtas at secure na transaksyon. 👍🏼
Makipag-ugnayan agad sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakompromiso ang inyong account o personal na impormasyon. Bisitahin ang directory ng mga bangko at financial institutions:
BSP Directory of Banks and Financial Institutions
Maaari ring i-report ang mga scammer sa mga sumusunod:
- DICT Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC)
- PNP Anti-Cybercrime Group Complaint Action Center
- Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group: (02) 8723-0401 (local 7491) | Smart: 09688674302 | Globe: 09671360322 | DITO: 09929893889 | onlinecims.ocs@gmail.com
- National Bureau of Investigation – Cybercrime Division: (02) 8523-8231 to 38 (local 3455) | ccd@nbi.gov.ph
Gawin ang #CPR o #CheckProtectReport para sa mas ligtas at secure na transaksyon. 👍🏼
Kung hindi nabigyan ng sapat na aksyon ng bangko ang inyong hinaing, maaaring makipag-ugnayan sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy (BOB):
- I-click ang BOB icon sa BSP website (bsp.gov.ph)
- Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP
- I-click ang BOB icon sa BSP Mobile App — i-download sa Google Play Store o sa App Store
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: bit.ly/BSPCAM